Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsinoy, 3 pa dakma sa pagtatago ng armas

0 49

Sa bisa ng arrest warrant, arestado ang apat na lalaki kasama ang isang Filipino-Chinese matapos masangkot sa pagtatago ng mga armas sa Cebu City kamakailan, ayon sa Cebu Police Provincial Office (CPPO).

Kinilala ni CPPO 1st First Mobile Force Command (PMFC) commander P/Maj. Roderick Y. Gonzales ang lider ng mga suspek na si Santiago E. Go, isang Filipino-Chinese, ng nasabing siyudad.

Ayon kay Gonzales, hindi muna tinukoy ang tatlong kasamahan ni Go dahil magsisilbi silang tulay kung saan galing ang mga baril na nasamsam sa kanila.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon, sinabi ni Gonzales, sa kanilang implementasyon ng tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), may nagturong police assest sa pinagtataguan ng mga suspek.

Agad namang nagsagawa ng intelligence operation ang 1st PMFC sa pamumuno ni Gonzales laban sa mga suspek na nakakulong ngayon sa CPPO detention cell at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.