Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsismosa, lagalag huhulihin pag lumabas

0 406

Mas mahigpit na curfew ang ipatutupad sa bayan ng Taytay kung saan pinagbabawalang lumabas ang mga tambay at mga tsismosa na magkukumpulan sa gilid ng kalsada.

Huhulihin ng Taytay Police ang mga nasa labas ng kalsada partikular na ang tinatawag nilang professional tambay o lagalag, mga estudyante, lolo’t lola, bata at magulang habang nasa ilalim ng MECQ.

Nilinaw ni Taytay Mayor Joric Gacula na ipatutupad ang curfew alas-8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa buong Taytay para sa mga may trabaho at may maipapakitang pruweba na naka-duty o certificate of work. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.