Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsismosang hipag 59 ulit kinadyod ng ice pick

0 286

PINAGSASAKSAK ng 59 na beses ang isang ginang sa Sta. Catalina, Ilocos Sur nang dahil umano sa tsismis.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Marilyn Ramos, 45. Agad namang inaresto ang suspek na si Jimmy Ramos, 39.

Napag-alaman na bayaw ng biktima ang mismong suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng argumento ang dalawa dahil umano sa tsismis na siyang naghudyat ng pananaksak ni Jimmy kay Marilyn gamit ang screwdriver. Nangyari umano ito sa Barangay Tamorong.

Sinabi ng suspek, nagdilim ang kanyang paningin kaya niya ito nagawa.

Agad siyang humingi ng tawad sa mga kaanak pero desidido ang mga naulila ng biktima na ituloy ang kaso laban sa kanya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.