Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsismoso sa SALN ipakulong – Ombudsman

0 48

Hinirit ni Ombudsman Samuel Martires sa Kongreso na amyendahan ang mga batas na may kaugnayan sa paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Sa briefing ng House committee on appropriations nitong Huwebes, sinabi ni Martires na nais nitong pagtugmain ang nakasaad sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713) at Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Sinabi ni Martires na nais niya na payagan ang paglalathala ng SALN pero dapat ipagbawal na magkomento rito ang sinoman. Ang mga magkokomento aniya ay dapat makulong ng hindi bababa sa limang taon.

Ipinunto ni Martires na maaaring makasira ng reputasyon ng isang tao ang pagkokomento sa SALN.

Iginiit ni Martires na sa ilalim ng RA 6713 ay malinaw na “for publication walang komentaryo.”

Nagbabala naman si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na lubhang mapanganib ang gusto ni Martires.

“Hindi ba napaka-dangerous noon, na i-penalize natin ang ating mga mamamayan kung nagtatanong sila dahil guaranteed naman sa ating Constitution na mayroon silang freedom of expression and also the principle of transparency and accountability?” punto ni Zarate. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.