Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsong Joey type patusin si Ivana

0 142

NI: ARCHIE LIAO

Nakakaaliw ang naging tsikahan nina Joey Marquez, Ogie Diaz at Loi Villarama sa vlog .

Napag-usapan kung paano na-discover ang komedyante sa showbiz.

Nanood lang daw siya ng taping ng Palibhasa Lalake noon nang mapansin siya ni Direk Johnny Manahan at in-offeran siya kung gusto niyang i-try ang pag-aartista.

Noon daw ay naglalaro na siya sa Alaska bilang basketball player kaya kailangan niyang mamili at ang pinili nga niya ay ang karera sa showbiz.

Dagdag pa niya, wala raw talaga siya sa original cast dahil ang mga kasama rito ay sina Richard Gomez at ang yumaong actor na si Miguel Rodriguez.

Ang pangatlong lalake raw sana ay si Gabby Concepcion pero kung sa anong kadahilanan ay hindi natuloy ito.

Ini-offer din daw ito kay Edu Manzano pero hindi rin nag-materialize ang negosasyon kaya napunta sa kanya ang role.

Sa huli ang triumvirate nila nina Richard, John Estrada at siya ang nagbida rito.

Blessing in disguise na maituturing daw niya ito dahil ito rin ang nagbigay ng daan para makilala siya bilang pilyong komedyante.Later on ay naging pasaporte para makapagbida siya sa mga pelikula.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, nami-miss daw niya ang old style ng paggawa ng TV shows at pelikula noon na ibang-iba na ngayon.

Ang mga artista raw noon ay napaka-propesyonal. Hindi rin daw uso noon ang may tent, road manager o handler ang mga artista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kapag hindi raw sila kinukunan, nasa isang tabi o nasa shed lang daw sila para maghintay ng kanilang turn.

Sa nabanggit na episode, naglaro rin ng jojowain o trotropahin challenge si Joey.

Aniya, between Catriona at Pia, bet niyang gawing misis si Cat samantalang si Pia raw ang tipong jojowain niya.

Between Ivana at Ellen, type raw niyang asawahin si Ivana at dyowain si Ellen.

Kina Angelica Panganiban naman at Anne Curtis, kung may choice raw siya, gusto niyang patusin si Anne at gawing abay ang mister nitong si Erwan Heussaff .Bet din niyang dyowain si Angge.

Hindi rin ikinaila ng komedyante na nagkaroon siya ng indecent proposal sa isang bading noon.

Ito raw ay noong naglalaro pa siya sa hard court.

Tinanong daw siya nito kung gaano kahaba ang kanyang pagkalalake.

Type raw kasi nito ay twelve inches.

Pabiro raw niyang sinabi rito na ‘kung gusto mo, puputulin ko.’

Tungkol naman sa pag-aartista, wala raw balak magretiro si Tsong habang kaya pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.