Abante Tonite Interactive

Tsubibo

By
232

Magtatapos na ngayong linggo ang pagpaparehisto ng mga botante sa Commission on Elections, filing of candicacy na rin next month, at makalipas pa ang ilang buwan – sa May 2019, election na uli.

Dahil pa-endo na ang tatlong taong termino ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan at pati ng mga congressman, marami sa kanila ang kapansin-pansin ang pagkukumahog. Sasabak uli sigurado ang mga reelectionist at inaawitan na nila ang boto ng tao nga­yon pa lang.

Buti na lang ay nakakatatlong termino na tayo bilang Marikina City Second District Representative kaya walang pressure. Ang sarap sa pakiramdam na nakapagseserbisyo nang walang dala-dala at iniisip, mas napapahusay ang trabaho – mapaproyekto man para sa distrito o sa paggawa ng mga batas para sa Filipino.

Abante Hiring – IT dep

Ang nakalulungkot lang, kahit ganito kaaga at hindi pa kampanya, may mga politiko na pinasasakay na sa ‘tsubibo’ ang taumbayan. Pinaiikot ba. Hinihilo, nililito. Kanya-kanya na silang porma, kanya-kanya na silang pro­paganda, kanya-kanya na silang pabida. Totoo ito, lalo na sa mga nahalal na pinuno pero nagbubulakbol lang naman pala.

Sa katunayan, may mga nagtatanong kung bakit daw sa Marikina – sa aming minamahal na lungsod – ay may mga nakasabit na tarpaulin tungkol sa iba’t ibang city project, iyon naman pala’y walang pondo ang mga ito at hinagilap o inutang lang sa pribadong bangko ang pantustos sa ilan dito.

Kung totoo, ito ay isang panggagago, ‘di ba?

Sa demokrasya, ang eleksiyon ay isang importanteng pagkakataon para maimpluwensiyahan natin kung paano papa­takbuhin ang lokal na pamahalaan o ang pambansang gobyerno o ang Kongreso. Ang balota ang ticket sa pamamahala ng bawat isa sa atin.

Huwag itong saya­ngin. Ngayon pa lang ay gumawa na tayo ng report card tungkol sa na­ging performance ng a­ting mga halal na pinuno.

Ang eleksiyon ay isa ring mabisang sandata para sa pagsingil sa pananagutan.