Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsugi sa coronavirus lagpas 34K na

0 42

Pumalo na sa kabuuang 34,062 ang mga nasawi sa COVID sa bansa, ayon sa tala ng Department of Health (DOH) kahapon.

Nakapagtala ang ahensya ng 189 katao na nasawi dahil sa virus.

Bukod dito, naitala rin ang ikalawang pinakamataas na single-day na bagong COVID cases na 20,741.

SM food to go Banner Ad

Kaya naman tumuntong na sa 2,061,084 ang lahat ng mga kaso sa bansa.

Ang mga aktibong kaso naman ay 157,646, kung saan 96.6% ang mga asymptomatic at mild patients.

Nadagdagan naman ng 21,962 ang mga gumaling.

Leave A Reply

Your email address will not be published.