Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsukii lalagare sa Istanbul

0 93

Patataasin pa ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang kanyang Olympic ranking points sa paglahok sa sa Karate1 Premier League sa Istanbul, Turkey sa March 13-15.

Sasalang ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist at nag-eensayo sa Japan sa female kumite -50-kiloegram event ng three-day karatefest.

Kasalukuyang nasa Top 10 ng world ranking ang 29 anyos na karatista na puntiryang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo sa darating na July 23-August 8.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi na makakalahok sa nasabing torneo sina Jamie Christine Lim, Ivan Agustin, Alwyn Batican, Sharief Afif, Jayson Ramil Macaalay at Norman Montalvo pero patuloy ang Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Hangad na nilang makakuha ng Olympic ticket sa gaganaping World Olympic qualifying event sa Paris, France sa Hunyo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.