Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsukii sisipa ng medalya

0 45

HANGAD ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Junna Tsukii na makasungkit ng medalya sa pagsabak nito sa semifinals Linggo ng hapon sa sinalihan nitong Karate Premier League 1 sa Cairo, Egypt.

Ang kasalukuyang WKF World ranked No. 7 na si Tsukii ang tanging dayuhang nakatuntong sa semifinals kung saan makakasagupa nito ang home bet na si Salama Reem Hamed sa 60kgs kumite.

SM food to go Banner Ad

“I placed 1st in elimination pool. The final tournament is Sunday! Thank you for supporting me to all. I’ll do my best on Sunday,” sabi lamang ni Tsukii.

Huling sinalihan ni Tsukii ang Olympic Qualifying event sa Paris, France matapos na sumabak din sa Karate Premier League sa Lisbon, Portugal at Istanbul, Turkey. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.