Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsukii todo ensayo sa Serbia

0 376

Dibdiban ang training ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii sa Serbia bilang paghahanda sa paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament ng 32nd Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong sa Hulyo 2021.

“The training camp in Serbia is working well,” post ng 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist sa Facebook matapos lumisan sa Japan.

Dinagdag pa ng karatista, “I look forward to seeing myself stronger a month later. Thank you so much for helping me a lot♥️I’m happy to my body has so much muscle pain?.”

Makikita sa ipinost na video ng dalaga na batak siya sa pag-eensayo at pagwo-workout sa Karate Klub Knjaz Arandjelovac.

Nag-bronze medal sa female kumite -50kg event sa isang Olympic qualifier (Karate 1 Series A) sa Chile noong Enero. Hangad ni Tsukii na katawanin ang bansa sa Tokyo Olympics. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.