Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsumugi sa misis ni judge timbog

0 89

Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang riding in tandem na mga suspek na pumaslang sa asawa ng hukom sa Iligan City sa Isabela, ayon sa ulat ng opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Kinumpirma ito ni Police Lt. Rowena Ramos, Information Officer ng Iligan City PNP, at sinabing kanila ng naaresto ang dalawang suspek na pumaslang kay Agnes Cabauatan-Palce, 58, internal audit manager ng Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO 2) at asawa ni Iligan Regional Trial Court (RTC) Branch 40 Judge Ariel Palce.

Hindi naman muna ibinunyag ni Ramos ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan upang mabatid kung may kasabwat pa sa naganap na pamamaslang.

Matatandaang Miyerkules ng hapon nang tambangan at pagbabarilin si Palce ng backrider na suspek sa kahabaan ng Barangay San Felipe sa Iligan City.

Lulan ng kanyang SUV at pauwi na sana sa bahay sa bayan ng Tumauni ang biktima at ang kanyang drayber nang maganap ang pamamaslang. Hindi naman ginalaw ang driver.

Nasapul sa panga ang biktima na agad isinugod sa Isabela Doctors General Hospital subalit dead on arrival na.

Ayon pa kay Ramos, malaking tulong ang mga kuha ng CCTV camera sa lugar ng insidente dahilan upang matukoy nila ang mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.