Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsuper, 5 pa buwis-buhay sa video call

0 94

Anim ang patay sa salpukan ng trailer truck at isang van sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon kahapon.

Batay sa Tagkawayan Police, magkasalubong na tinatahak ng trailer truck na minamaneho ni Arjay Brito Redecialla, 29-anyos, at ng Nissan Urvan Escapade van (TOJ512) na minamaneho ni Ron Aldwin Aquino, 30, ang palusong at kurbadang bahagi ng highway nang magkasalpukan sila alas-12:20, Martes ng hatinggabi.

Nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang van na patungo sa direksyon ng Bicol kaya sumalpok ito sa papalusong na kasalubong na truck.

Sa lakas ng banggaan, patay agad si Aquino at tatlong pasahero na sina Maria Thalia Bombales, Sergei Victor France Reyes, 26, at John Robert Diocampo, samantalang binawian naman ng buhay sina Agnes Villarosa, 29, at Rommel Galupar, 26, habang ginagamot sa Maria L. Eleazar Memorial District Hospital sa Tagkawayan.

Related Posts

Ang tatlo pang sakay ng van na sina Fatima Beroin, Raymond Froibel Cortez, at Joel Badiola ay pawang sugatan at ginagamot pa sa ospital.

Ayon sa isang survivor, galing silang Cavite at papuntang Bicol at naarkila nila ang van sa pamamagitan ng online booking.

Sa imbestigasyon, sabi ng isa sa mga nabuhay, napansin nilang may kausap o ka-video call si Aquino habang nagmamaneho. Mabilis din daw ang patakbo nito at ilang beses silang muntik sumabit sa aksidente hanggang sa natuluyan. Kinumpirma rin ito ng isa pang pasahero.

Samantala, si Redecialla ay nasa kustodiya ng Tagkawayan Police. Mabagal lang aniya ang takbo ng kanyang minamanehong sasakyan. (Ronilo Dagos/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.