Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsuper binoldyak sa 1-metrong distancing

0 93

SINITA ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang ilang mga pampasaherong mga jeepney kahapon dahil sa hindi pagsunod na itinatakdang one-meter physical distancing sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Nagulat pa ang mga jeepney driver dahil nalilito daw sila kung susundin ang 50% capacity o ang one-meter physical distancing.

Hindi naman sila inisyuhan ng mga tiket ngunit pinagsabihan.

Sinabi ni PNP-HPG National Capital Region director Police Colonel Wilson Doromal na sa susunod nilang pag-iikot ay manghuhuli na sila.

Ayon naman kay Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, dapat ay i-harmonize ng pamahalaan ang 50% capacity limit at one meter social distancing.

“Kapag ipapatupad mo sa jeep ‘yong one-meter social distance, hindi na aabot ng 50% ‘yon. Siguro ilan lang ang mga pasahero noon, marami na siguro ang lima o anim dahil isang metro eh,” sinabi ni Inton sa pahayag sa telebisyon.

“‘Yon siguro ang linawin,” dagdag nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.