Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsuper minanyak estudyante sa Facebook, kulong

0 101

Isang truck driver ang kinasuhan matapos ireklamo ng babaeng estudyante na kanyang kinuhanan sa cellphone video habang nagda-jogging sa Brgy. Ugong, Pasig City saka ipinost sa Facebook na may kasama pang caption na kabastusan.

Hindi pinangalanan ng Anti-Cybercrime Group ng Eastern Police District ang 34-anyos na suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Republic Act 11313 (Safe Spaces Act) o mas kilala bilang Bawal Bastos Law at unjust vexation na kaugnay sa paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, officer-in-charge ng Anti-Cybercrime Group, nakita ng kaibigan ng 19-anyos na biktima ang public post ng suspek sa Facebook kung saan kinunan ito ng video nang walang paalam at nilagyan pa ng caption na “pg 2mingin ka brocha ka”.

SM food to go Banner Ad

Agad nagtungo ang biktima sa tanggapan ng Anti-Cybercrime Group para ireklamo ang pambabastos sa kanya ng suspek at ang nakakatakot umanong caption nito.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Pasig City Police ang truck driver.

Kaugnay nito, paalala ng mga awtoridad na iwasang kumuha ng larawan na walang pahintulot dahil maaari silang kasuhan ng paglabag sa privacy ng isang indibiduwal. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.