Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsuper party-list cong rumesbak: Enchong dinikdik sa P1B cyber libel

0 149

Sinampahan ang aktor na si Enchong Dee ng kasong cyber libel ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER PTDA) party-list Rep. Claudine Diana Bautista-Lim sa Davao Occidental Provincial Prosecutor Office kahapon.

Kaugnay ito sa pagbanat ni Dee sa aniya’y magarbong kasal ng mambabatas sa negosyanteng si Jose French Lim sa Balesin noong Pebrero.

Saad noon ni Dee, “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”

SM food to go Banner Ad

Patuloy niya, “Drivers and Commuters Rep who voted NO to ABS-CBN franchise got married in a Michael Cinco gown in a lavish peony-filled ceremony in Balesin in the middle of a pandemic. How ostentatious. May vaccination drive ba sya for drivers and commuters.”

Kalaunan ay humingi ng paumanhin sa kanyang banat si Dee: “With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist. I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause.”

Ayon sa ulat, humihingi ang mambabatas ng moral damage na nagkakahalaga ng P500,000,000 kasama ang exemplary damage na nagkakahalaga ng P500,000,000 o kabuuang halaga na P1 bilyon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.