Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsuper problemado sa pera, nagbigti

0 138

Dahil umano sa problemang pinansiyal, winakasan ng isang jeepney driver ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng pulisya alas-9:40 Lunes ng gabi nang matagpuan ang 33-anyos na lalaki. Ayon sa kwento ng mga kaanak nito, inutusan umano ang isa sa kanyang kapatid para silipin siya sa kanyang kuwarto, pero dito na bumungad ang nakabigting katawan ng utol.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima gayunman, dineklara itong dead on arrival. Tumanggi naman ang pamilya nito na paimbestigahan pa ang insidente dahil kumbinsido silang nagpakamatay ito dahil sa problemang pinansiyal. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.