Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsuper puwedeng tumanggi sa pasahero

0 174

Pinayagan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs) na tumanggi kapag may sasakay na pasaherong matatanda at bata, base na rin sa paghihigpit at health protocol ng IATF.

Batay a report ng DOTr, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga nasa may edad 20 pababa at mga senior citizen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, nasa policy ng IATF ang pagbabawal sa mga bata at matatanda na lumabas ngayong panahon ng pandemic.

Maliban lamang kung naisyuhan sila ng quarantine pass mula sa kanilang barangay at kailangan lamang na bumili ng pagkain, gamit o pumunta sa ospital. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.