Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tubid asst coach na

0 102

Umanib sa Terrafirma, hindi para maging player kundi bilang assitant coach na si Ronald Tubid bilang paghahanda ng Dyipd sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa April 9.

Sa ulat ng Spin.ph nitong Lunes, magiging parte ang nine-time PBA champion bilang coaching staff ni coach Johnedel Cardel.

Naging unrestricted free agent ang beteranong swingman nang hindi mabigyan ng bagong kontrata ng San Miguel Beer nang mapaso noong nakaraang Enero at hindi na makalaro sa liga. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.