Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tubig, kuryente puwedeng ilibre – Lacson

0 202

Naniniwala ang pambato ng Partido Reporma sa presidential election na si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na maaaring gawing libre sa bayarin ng tubig at kuryente ang mga pinakamahihirap na pamilya.

Puntirya ni Lacson na wakasan na ang matagal nang problema ng mga mahihirap na Pilipino na walang sariling koneksyon sa tubig at kuryente at nagbabayad nang triple sa itinakdang halaga nito.

Magagawa aniya ito kapag maayos lamang ang paghawak ng gobyerno ng pondo at maalis ang korapsiyon.

Isa ito sa inilatag na plano ni Lacson para tugunan ang reklamo ng maraming mamamayan na mataas na singil sa tubig at kuryente dahil na rin sa hindi maayos na koneksiyon.

Personal na nabatid ni Lacson ang naturang problema at reklamo sa kanyang pag-iikot sa Pasig City at Parañaque kamakailan kung saan ipinarating ng ilang local government official at mga residente na marami ang gumagawa na lamang ng tinatawag na `pakabit’ para magkaroon ng tubig at kuryente.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Lacson, ang ganitong problema ay naiwasan sana kung naging maayos ang paghawak ng pamahalaan sa pondo.

“Dapat ma-correct. Imagine kung mayroong P300 billion na hindi nagagamit at mayroon pang P700 billion na mali ang paggamit, isipin n’yo isang trilyon. E baka kayang sagutin `yong mga hindi kayang magbayad ng kuryente, hindi kayang magbayad ng tubig, baka puwedeng hatian ng gobyerno `yong pambayad,” pahayag pa ni Lacson sa mga residente ng Parañaque sa kanilang dayalogo sa Baclaran.

Sa kanila namang pakikipag-usap sa mga residente ng Castillejos, Zambales nitong Biyernes, inihayag ng Lacson-Sotto tandem ang posibilidad na ilibre na ang kuryente.

Sabi ni Lacson, isa sa kanilang tinitingnan na solusyon ay ang pagbibigay ng subsidiya sa pinamakahihirap na pamilya upang matulungan sila na maiangat ang estado ng pamumuhay.

Pangunahing plataporma ng Lacson-Sotto tandem sa kanilang pangangampanya ay ‘good governance’ at pagsugpo na korapsiyon,(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.