Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tubig lang?

0 125

Sa pagkakataon na may nararamdaman na hindi nawawala o nababawasan man lang ang tindi, dapat ng ikonsulta ito sa doktor. Madalas nating payo sa ating mga readers at tagasubaybay ito. Ngunit ngayon, mayroon tayong reader na masama ang loob dahil sa ikinalabasan ng kanyang konsulta sa kanilang doktor na diumano ay uminom ng tubig lang ipinayo para sa kaniyang anak na teenager na sinisinatsinat, may kaunting sipon at ubo ng ilang araw. Maliban sa pinapa eksamin ng rt pcr swab para malaman kung dahil ito sa Covid o hindi. Nagdagdag ng kaunting bitamina pero ni hindi nagbigay ng gamot o antibayotiko man lang. Sana hindi na lang ipinakonsulta ang anak, aniya.

Ang pinakamahalaga ay ipinatingin ang anak dahil sa nararamdaman na hindi nawawala. Sa pamamagitan ng konsulta ay malalaman kung ano ang posibleng mag karamdaman na dumapo sa pasyente. Sa kasawiang palad, dahil sa pandemya, agad agarang kinakailangan malaman kung Covid ang dahilan ng sintomas na naramdaman. Kung masigurong hindi Covid, kadalasan ang dahilan ay systemic viral infection. Kung viral ang problema, hindi ito kinakailangan ng gamot, lalong lalo na ang antibayotiko. Walang bisa ang mga ito at balewala ang epekto. Ang pinkamahirap pa ay maaaring magkaroon ng resistance sa gamot. Ibig sahin ay sa oras na kailanganin ang gamot, hindi na ito magiging epektibo dahil hindi na sensitibo ang katawan para sa gamot. Maaaring bigyan ng mga bitamina, pero ang totoo, mas mainam ang masigurong makakain ng maayos at tama, sa wastong panahon. Dito pumapasok ang tubig. Napakahalaga ng tubig sa katawan. Hydration ang tawag dito. Ginagamit ng buong katawan natin ang tubig at sa panahon na may nararamdaman, mas madami ang tubig na kakailanganin. Sa ganitong sitwasyon, madalas hindi umiinom ng tama ang may nararamdaman. Kinakailangan natin uminom ng 67% ng ating timbang. Pwedeng i-mutiply ng 0.033 ang ating timbang. Halimbawa, kung tayo ay may bigat na 60 kilos, kailangan natin ng 2 litro sa maghapon, kung 90 kilos, 3 litro naman ang dapat na mainom. Maliban syempre kung may problema sa bato o kidneys, linilimita natin ito. Ngunit sa madalas na pagkakataon, ganito kadami ang dapat natin iniinom. Sa ubo naman, kung tayo ay dehydrated, nagiging madikit ang mga lining ng daanan ng paghinga natin, nagiging malapot ang plema. Magiging iritable ang kakapitan kaya mapapaubo tayo. Kung tama ang hydration status, mas madulas ang mag lining, hindi kakapit ang plema, mas madaling maidahak sa panahon na ubuhin.

Hindi palaging gamot ang solusyon sa lahat ng pagkakataon. Kunf minsan konserbatibo lang, tamang pagkain, pahinga, at paginom ng tubig ang mas kailngan. Ang doktor ninyo ang makakapagsabi nito.

SM food to go Banner Ad

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.