Abante Tonite Interactive

Tubig ng Maynilad-MVP kulay kalawang

186

Humingi ng paumanhin ang Maynilad Water Services Inc. sa gitna ng mga reklamong malabo ang kulay ng suplay ng tubig sa ilang lugar.

“We apologize for the inconvenience and conti­nue to ask for your patience and understanding as we try to mitigate the impact of the reduced water allocation on our operations,” ani ng Maynilad sa kanilang Facebook page.

“Humihingi kami ng paumanhin para sa aba­la at patuloy na humihingi ng iyong pasensya at pag-unawa habang sinusubu­kan na­ming ayu­sin ang epek­to ng pag-unti ng nakalaang tubig sa a­ming mga ope­rasyon,” sabi ng Maynilad na pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pa­ngilinan.

Abante Hiring – IT dep

Ipinaliwanag ng Maynilad na lumalabo ang kulay ng suplay ng tubig kapag nagkakaroon ng service interruption. Kapag itinuloy na ang water service, sumasama ang mga mine­ral deposits na nasa loob ng mga tubo dahil sa big­lang lakas ng daloy ng tubig.

Pinayuhan ang kanilang mga konsu­mer na kapag malabo ang kulay ng tubig, patuluin lang ito hanggang sa luminaw. Maaari ring gumamit ng malinis na tela bilang pansala sa gripo.

Ayon sa Maynilad, bumaba ang suplay ng tubig dahil sa pagdami ng lumot sa Laguna Lake at kakulangan ng suplay sa Angat Dam.