Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tubino, Army nilagok BaliPure

0 34

Bumida si Honey Royse Tubino ng 19 points sa likod ng 17 attacks at 2 service ace para lunurin ng Black Mamba Philippine Army ang ‘binyagang’ BaliPure, 25-16, 25-27, 25-21, 26-24, sa 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Martes ng gabi.

Ang pakitang tikas ng 28-year-old, 5-foot-10 outside hitter ang nagpabawi sa Lady Troopers na three-set (25-19, 22-25, 25-20, 25-21) loss sa Petro Gazz sa pangalawang araw ng women’s indoor volleyfest noong Linggo.

Sa 1-1 win-loss record, inakbayan ng BGC, Taguig-based squad sa triple-tie para sa third spot ng team standings ang Santa Lucia at Petro Gazz. Nasa unahan nila ang may identical 2-0 na Creamline at Chery sa 10-team professional league.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naging madali ang bakbakan dahil matapos ang matagumpay na first set ng Army, agad bumawi ang Water Defenders sa second frame

Naging dikdikan rin 3rd-4th stanzas nang ilang beses magtabla ang score. Naghiwalay lamang ang matapos ang 4-0 run ng Black Mamba, 20-18.

Naging epektibo rin si Army star Jovelyn Gonzaga matapos umagapay sa final set kasama ang panablang 24-deadlock. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.