Abante Tonite Interactive

Tubino binuhat ang PTA kontra BanKo

373

Naghuramentada si Honey Royse Tubino ng 19 points sa likod ng 17 attacks at tig-1 block at ace para angklahan ang Pacific Town Army sa pagpisak sa BanKo, 25-23, 25-23, 17-25, 25-20, sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations Miyerkoles nang gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Nakatuwang ni best player Tubino sa PTA si Jem Gutierrez na nagpasabog sa 22 mar-kers si Gutierrez at ipalasap sa Perlas Spikers ang unang talo sa dalawang laro.

“Sabi nga namin tayuan lang kaya namin, gagalaw lang kami ng maayos mananalo kami. Yun lang yung ginawa namin nung fourth set, kung paano kami nag-start nung first set, second set binalik lang namin yung rotation namin,” pahayag ni Lady Troopers coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr.

“Happy kasi first game, considering na nanalo si BanKo sa PetroGazz.
Momentum sila tapos first time kami na lalaro ng all-Filipino,” panapos Reyes.

Balewala ang 21 markers na hatid sa Perlas Spikers ni Nicole Tiamzon at 13 points ni Dzi Gervacio upang madagdagan ang kanilang panalo sa liga. (Janiel Abby Toralba)