Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tubino, PH Army umararo

0 72

Rumatrat ng 24 hits si Honey Royse Tubino upang araruhin ng Philippine Army ang PLDT Home Fibr, 20-25, 25-17, 25-20, 25-20 sa Premier Volleyball League (PVL) 2021 Open Conference eliminations sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Umangat ang Lady Troopers sa 2-3 win-loss record at binaon pang lalo sa burak ang Hitters sa 0-6 sa 10-team women’s pro indoor volleyfest.

Magpapatuloy ang hostilidad ng torneo ngayong Biyernes sa nakalinyang tatlong salpukan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.