Abante Tonite Interactive

Tubino vs Palomata sa PAF kontra PTA

201

Mga laro ngayon: (The Arena-San Juan City)

2:00 pm – Chef’s Classic vs Creamline

4:00 pm – Air Force vs Pacific Town Army

Ilalaglag nina Honey Royse Tubino at Pacific Town Army ang Philippine Air Force sa kanilang salpukan sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 1st round elims mamayang alas-kuwatro nang hapon sa The Arena-San Juan City.

Winalis ng may back-to-back wins, 5th-running Lady Troopers (4-3) ang BaliPure Purest nitong Miyerkoles, 25-17, 25-16, 27-25, sa pangunguna nina Tubino na umiskor ng 13 points at Lutgarda Malaluan na may 10 markers.

“Makabalik lang ‘yung playing system namin, especially sa mga veteran namin kasi when they get their groove, sigurado na, lalaro na kami,” hayag ni PTA coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr.

Nilantakan naman ng katabla sa 6th PH Air Force (2-5) ang Choco Mucho, 26-24, 14-25, 21-25, 25-22, 15-7, sa parehong araw ng midseason women’s indoor volleyfest.

Tatlong Lady Jet Spikers ang nanguna sa opensa kabilang sina Dell Palomata na nagtala ng 18 pts., Angel Mae Antipuesto na may 16 markers at Jozza Cabalsa na umiskor ng 11.

“Hopefully, eto ‘yun kumpiyansa na hinahanap namin. Sana magtuloy-tuloy na,” ani PAF bench strategist Jasper Jimenez. (Janiel Abby Toralba)