Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuffin bumida sa Wellington

0 110

Lumagare para sa Wellington Saints si Filipino-Kiwi cager Ken Tuffin sa naging overtime match up ng koponan kontra Hawkes Bay Hawks 119-112 sa 2021 NZ NBL season na ginanap sa TSB Bank Arena, Linggo.

Sa overtime, huling 1:14 minuto ng laban, isang offensive rebound ang nakuha ni Tuffin para makapuntos si Dion Prewster ng isang fadeaway shot.

SM food to go Banner Ad

Sinundan pa ito ni Tuffin, nagtala ng 10 puntos, apat na rebounds at tig-dalawang assists at steals, ng isang assist kay Taane Samuel na dumakdak at mapa-angat ang iskor 113-105, 39 segundo natitira.

Dahil sa panalo, sampa sa 10-2 win-loss mark ang kampo ng Wellington Saints sa liga. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.