Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuffin nasa radar ng gilas

0 253

Bago naglaro sa New Zealand semi-pro league si Fil-Kiwi Ken Tuffin, nagkaroon siya ng tsansang magsuot ng kulay ng Gilas Pilipinas.

Tubong Rosario, La Union ang ina ni Tuffin, 23. Sa New Zealand ipinanganak ang player.

Sa kasalukuyan, naglalaro ang 6-foot-4 forward para sa Taranaki Mountainairs sa 39th New Zealand National Basketball League 2020.

Matatapos sa July 24 ang NBL, balak niyang bumalik ng Manila para muling maglaro sa FEU Tamaraws sa susunod na kampanya sa UAAP Season 83 2021-22. Dati na siyang naglaro para sa mga taga-Morayta.

Hindi rin nawawala ang senaryo na bumalik siya sa national men’s basketball team.

Unang lumutang ang pangalan ni Tuffin sa national team ilang taon na ang nakakaraan nang isama sa 23 players na tinapik ni noo’y Gilas coach Chot Reyes na bubuo sa youth pool ng 2023 FIBA World Cup.

Kasama niya sa batch na tinawag ni coach Chot na #23for23 sina CJ Perez, Robert Bolick, Paul Desiderio, Abu Tratter, Javee Mocon, JJay Alejandro at Arvin Tolentino na lahat ay nasa PBA na.

Gustong sumunod ni Tuffin sa pro league para mapasaya ang mga kamag-anak dito.

“It would be really proud for them to have something like that,” aniya sa The Prospects Pod. “Definitely, that’s one of my goals.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.