Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tugade: Biyahe luluwag pa sa Kalayaan Bridge

0 66

Ikinatuwa maging ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagbubukas Kalayaan Bridge sabay sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa gitna ng seremonya sa pagbubukas ng tulay, inihayag ng kalihim ang kanyang kasiyahan dahil natapos na rin gawin ang proyekto.

“Hindi ba’t tama lang ho ‘yan, na kung ating ginugunita ‘yung tinatawag na Independence Day, sinasabi ni [DPWH Secretary] Mark Villar, ‘Pangako natin na magkakaroon tayo ng Independence from the problems of traffic and traffic congestion’,” pahayag ni Tugade.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa niya, ang Kalayaan Bridge ay tanda ng buong suporta ng gabinete kay Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang mga proyekto para sa sambayanan.

Ang Kalayaan Bridge ay magdudugtong sa Sta. Monica sa Pasig City at Lawton Avenue sa Makati. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.