Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tugade: Bulacan airport ng SMC sisimulan na itayo

0 240

Malapit nang simulant ang pagpapatayo ng world-class airport ng San Miguel Corporation (SMC) sa Bulacan.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, isasagawa ang groundbreaking ng Bulacan Airport sa darating na 45 hanggang 60 araw.

Nagpahayag naman ng paghanga si Tugade kay SMC president at CEO Ramon S. Ang dahil sa tahimik aniya na pagtatrabaho nito para sa P740 bilyong proyekto sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya sa COVID-19.

“Siya ho ay tahimik na nagki-clearing. Siya ho ay tahimik na nagde-dredging. Siya ho ay tahimik na nag-moving out at tahimik na nag-cut at kumukuha ng right of way,” pahayag ni Tugade sa isang press conference.

Layon ng New Manila International Airport sa Bulacan na mapaluwag ang mga paliparan sa bansa tulad ng Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.

Target patakbuhin ang Bulacan airport sa 2025. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.