Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tugade pinasuyod mga pekeng S-PASS

0 9

Inaksyunan agad ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pamemeke ng S-PASS o Safe, Swift and Smart Passage sa Batangas Port.

Nabatid na karaniwang mga nagiging biktima ng talamak na pekeng S-PASS ay ang mga pasahero sa naturang pantalan.

Sa pamamagitan nito ay matutukoy na agad ang mga pekeng S-PASS bago pa man pumasok sa loob ng pantalan dahilan kaya tumigil nang tuluyan ang nasabing modus.

Magugunitang ipinag-utos ni Tugade ang paggamit ng S-PASS sa lahat ng pasahero na gagamit ng pantalan bilang tugon ng DOTr sa panuntunan na ipinatutupad ng gobyerno sa pagbiyahe ngayong nasa ilalim ng pandemya ang bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.