Abante Tonite Interactive

Tugade sinisi ng COA sa kapalpakan ng MRT-3

739

Sinisi ng Commission on Audit (COA) sa tanggapan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthu­r Tugade ang nararanasang araw-araw na mahabang pila at pagsi­siksikan ng mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito’y dahil na rin sa pagkaantala ng expansion project ng MRT-3 kung kaya’t pinasisingil din ng COA sa DOTr ang halagang P1.296 bilyon bilang bayad-pinsala ng Chinese company na hindi nakasunod sa takdang panahon ng delivery ng mga tren ng MRT-3.

Nakasaad sa 2017 audit report ng COA sa DOTr, na halos isang taon na naantala ang operasyon ng 48 light rail vehicle (LRV) na binili mula sa Chinese company na Dalian Co. Ltd. na nagkakahalaga ng P3.759 bilyon.

Katumbas umano ito ng mahigit P1.296 bil­yong halaga ng ‘liquida­ted damage’ dulot ng mga aberya sa power supply, signaling system at weight issue ng MRT-3.

Dahil sa pagkaantala ng mga bagong tren ay nakaranas ang mga commuter ng araw-araw na mahabang pila at siksikan ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT-3.

“As a result, long queues and overcrowdin­g of passengers in Metro Rail Transit stations were not cushioned, thus affecting the welfare of the riding public and contributing to the decline in passenger ridership,” nakasaad sa COA report.

Binanggit din sa audit report na nabawasan ng 20 porsiyento ang mga pasahero ng MRT-3 sanhi ng pagkaantala ng expansion project nito.