Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tugade sumaklolo sa mga pasahero

0 293

NAGPASALAMAT ang mga pasahero nang agad na sumaklolo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade sa Batangas Port.

Ito’y makaraang makarating sa kaalaman ni Sec. Tugade ang talamak na pananamantala sa mga pasahero bago pumasok ng bakuran ng nasabing pantalan gaya ng pandurukot, pangongotong at pagnanakaw. Ani Tugade, laganap ang ganitong insidente sa labas lamang ng tinatawag na Yellow Pedestrian Gate ng naturang pantalan kung saan naroon ang iba-t-ibang uri ng kriminalidad na ang biktima ay ang mga kaawa-awang pasahero.

“Naging biktima na rin dito ang sasakyan ng retiradong hepe ng PNP nang basagin ang bintana nito at pagnakawan habang nakaparada sa nasabing lugar”, ikinwento ng isang residente.

Agad naman inutusan ni Tugade si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago na ikandado na ang naturang daan o lagusan upang tuluyan nang wakasan ang krimen sa lugar.

Kasama ang pribadong operator ng PPA sa Batangas Port na Asian Terminal Incorporated (ATI) ay inilipat sa Main Gate ang daanan ng mga pasahero upang ligtas na ang mga ito laban sa mga mandurukot, mangongotong at magnanakaw.

“Talamak sa lugar na iyon ang pipilitin kang bumili ng panutsa na sobrang taas ang presyo na kahit ayaw mo ay mapipilitan kang bilihin dahil nakatutok ang kutsilyo sa tagiliran ko”, ibinida naman ng isang pasahero na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.