Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuguegarao balik ECQ

0 94

Sampung araw isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Tuguegarao City.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office sa Facebook post, pagpatak ng 12:01 kaninang hatinggabi (Enero 20) ay ini-lockdown ang lungsod dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 bunsod ng holiday.

Tatagal ang lockdown hanggang hatinggabi ng Enero 29.

Kasalukuyang nasa modified general community quarantine ang Tuguegarao City.

Hanggang kahapon ay nakapagtala ang city government ng 985 COVID-19 case, 222 ang active.

Gumaling ang 748 sa virus habang 15 ang nasawi. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.