Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuguegarao naghigpit, control pass inobliga

0 379

MULING ipapatupad simula ngayon (March 22) ang paggamit ng “Covid Shield Control Pass” (CSCP) para sa mga residente ng Tuguegarao City dahil sa pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng coronavirus disease sa lungsod.

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, muling naatasan ang mga opisyal ng barangay sa pamamahagi ng control pass sa mga residenteng kinakailangang lumabas para mamili ng kanilang pangangailangan.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nilinaw ni Soriano na may limitasyon sa oras ng pagkuha at pagbalik nito sa barangay upang malimitahan ang dami ng tao sa labas.

Para naman sa mga hindi residente ngunit nagtratrabaho sa Tuguegarao City, maging ang mga nagtratrabaho sa gobyerno kabilang na ang mga nasa academe at mga frontliners, kailangan lamang ipakita sa checkpoint ang kanilang company ID o certificate of employment sa pagpasok sa lungsod. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.