Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuhod ni Belga ‘di pa kumakatok

0 80

KASINGTIGAS pa rin na puwedeng pag-untugin na bato ang mga tuhod ni Beau Belga kasunod pagbawas ng 30 libra para mas mapahaba pa ang kanyang paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Tinaguriang “Extra Rice” dahil sa kanyang lakas kumain, unti-unting natanggal ni Belga ang dagdag na bigat na hindi naapektuhan ang pundasyon nito para mailaro pa rin ang mga tuhod.

“Sabi ko nga kapag ako sumakit na ang tuhod ko ibig sabihin nun mabigat na ako,” sabi ni Belga.

“So far nakakatagal pa naman ako sa practice namin. Wala pa naman akong iniinda, sa awa ng Diyos.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aminado si Belga na minsan itong tumimbang na 290 pounds subalit dahil sa patuloy na workout ay nagawa nitong maibaba tungo sa ideal playing weight na 260.

“Para tayong wrestler nun. Sabi ko nga hindi uso ‘yung diet sa akin. Kinakain ko kung ano ‘yung gusto ko,” sabi ng 34-anyos mula sa Gubat, Sorsogon.

“But at the same time, kailangan kong sunugin. Kailangan kong i-gym, kailangan kong i-workout. ‘Yun lang naman, mga taba-taba iko-convert sa muscles, kunwari,” sabi nito. “Kasi meron din naman akong career na dapat alagaan” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.