Abante Tonite Interactive

Tuhod ni Kawhi ‘di pa maayos

340

Dalawang buwan na sapul nang huling tumapak sa court si Kawhi Leonard, sa Game 6 ng NBA Finals nang kalusin ng Toronto Raptors ang Golden­ State Warriors para iuwi sa Canada ang unang championship.

Sa buong postseason, binagabag ang Raptors ng kuwestiyonableng lagay ng tuhod ni Leonard.

Pero naitawid niya ‘yun, ‘di nagpaawat hanggang maihatid sa kampeonato ang Toronto.

Ngayon ay nasa Los Angeles Clippers na si Leonard, pero mukhang ‘di pa nakakarekober.

Sa isang photo na ipinoste sa Twitter ng Yahoo Sports Canada kamakailan, makikitang may wrap pa ang kaliwang tuhod ni Leonard.

Sa photo ay naka-shorts si Kawhi – pulang jersey pa ng Raptors – napapagitnaan ng dalawa pa.

Nilagyan ang larawan ng caption na “Kawhi rocking Raptors shorts still is the most Kawhi thing ever.”

‘Di binanggit kung kailan kuha ang larawan, pero nai-post nitong Aug. 7. (VE)