Abante Tonite Interactive

Tuk Tuk, subukan sa Thailand

By
1,916

Tuk Tuk. Ito ang tawag sa pamosong in-line trike ng Thailand na makikita mo sa mismong mga souvenir shop, t-shirt atbp. sa Bangkok, Thailand.

Kung sa ‘Pinas ay may sidecar na klase ng mga pampasadang ­tricycle, in-line and ­powertrain ng mga Tuk Tuk.

Pamoso ang uri ng commuter trike na ito sa lupa ng mga Thai na hindi maiiwasang subukang sakyan upang makompleto ang pagbisita roon.

Sikat din ang mga commuter pickup na pampasada na parang jeepney ride dito sa atin ngunit nawala na ito sa ngayon hindi gaya noong 1996 nang komober ang inyong lingkod noon ng Thai King’s Cup sepak takraw tournament.

Ang pumalit diyan ay Toyota Commuter vans na ang version nito ay kasinlaki ng Super Grandia na kakasya ang 18 pasahero.

May mga magsasabing iwasan daw sumakay sa mga Tuk Tuk when you are in Thailand.

Ngunit kung malapit lang ang pupuntahan at nais masubukan si Tuk Tuk puwedeng pagbigyan.

Doble kasi halos ang pamasaheng hihingin sa commuter ng mga ito kung mas nanaisin pang mag-taxi na rin at aircon pa.

Kung mapagsamantala ang mga Tuk Tuk operator, ay sus meron ang mga taxi driver roon.

Kainaman may Grab operators na rin ngayon kung kaya natse-check in advance kung magkakano aabutin ang paroroonan.
Gaya nang pangalawang araw ng aming dalaw sa Bangkok, papunta kami sa Reclining­ Buddha sa Wat Pho, aba’y 500 baht agad ang binigkas ng taxi driver samantalang 165 baht lang sa Grab kung umigkas kami agad at nagpababa­ sa may gilid.

Ibinaba ng driver 300b, tas 200b. Ah, ‘wag na po.

Mapagsamantala ang driver na nakuha namin.

Grab na ang aming kinuha patungo sa ­Reclining Buddha.

Kahit deklaradong iligal umano ang Grab roon, madami pa rin ang malalakas ang loob.
Gamit nila ay ibang app na naka-splice sa gamit na app ng Grab kung nahihirapan ang mga awtoridad na masawata ang mga ito.

And that sounds familiar.