Abante Tonite Interactive

Tukaan ni player, GF nagliliyab

By
306

Kung paano nag-aapoy ang bawat sandali sa tuwing magsasama sa kanilang bahay ang dating mag-dyowa na ex-PBA player at matangkad na sexy actress ay ganoon din pala sila kainit sa tuwing magkakagalit at ‘di magkasundo sa isang bagay.

Madalas na makita noon ang magkarelasyon na dating cager at maputi’t makinis na aktres na sobrang sweet sa mga unang taon ng kanilang pagiging mag-dyowa at habang nasa kasagsagan ng kasikatan si player.

Tila mga sawa kung maglingkisan din ang dalawa na madalas makita at nagkakatamaan ng kanilang mga maiinit na bahagi ng katawan bago magsimula ang laro ni ex-player at maging sa bawat tapos ng laban.

Matagal na panahon din na nagsama sa iisang bubong si player at sexy actress bago na lamang nakita ang matinding pag-aaway ng dalawa na naganap sa isang dating pinaglalaruang lugar ng liga. Kalaunan ay nauwi sa tuluyang hiwalayan ng dating sweet na sweet na pares.

Bago nagka-split-an, nagkasagutan at nagkasigawan muna si player at actress na nagkaroon pa ng pagbabatuhan ng kanilang mga personal na mga gamit.

Wala na sa bansa si basketbolista, habang ­masaya na muli si aktres.