Abante Tonite Interactive

Tuklasin ang mga ipinagmamalaki ng Romblon

0 178

Kilala bilang “Marmol Capital of the Philippines” ang probinsya ng Romblon dahil sa yaman nito sa marmol at pagiging talentado ng mga Romblonoan sa paghulma ng mga marmol.

Isa rin ang Romblon sa pangunahing tagasuplay ng marmol sa Maynila. Pero hindi lang yan ang tanging yaman ng Romblon, dahil mayaman din sila sa mga historical places ito gaya ng Fort San Andres na itinatag noong panahon ng Espanyol upang bantayan ang Romblon main town.

Kailangan mong tahakin ang 210 steps bago maakyat ang hagdan bago makarating sa Fort San Andres.

Tanaw rin mula sa walls ng Fort San Andres ang Romblon Bay at ang mga gusali sa bayan.

Ipinagmamalaki rin ng Romblon ang makulay at banal festival na ipinagdiriwang tuwing January.

Isa sa mga highlight ng kanilang banal na kapis­tahan ay ang TON-TON o ang pagbaba ng Sto. Niño de Romblon at ipoprusisyon.

Pagkatapos naman ng TON-TON ay ang pagdiriwang ng Biniray Festival kung saan iikot ng pitong beses sa Romblon Bay ang imahe ng Sto. Niño na sumisimbolo sa pitong beses na tangkang pagkuha ng mga espanyol sa Sto. Niño ngunit ‘di nagtagumpay dahil sa tuwing susubukang alisin sa Romblon ang Sto. Niño ay nagiging masama ang panahon. (Athena Yap)