Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuko alaga ni Intal

0 245

HABANG hinihintay ang muling pagbubukas ng ika-45 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) ay sinamantala ni John Christopher Antonio ‘JC’ Intal ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang pag-aalaga sa isa sa mga exotic na hayop na Gekko.

Ipinakita ng dating Philippine Basketball League (PBL) champion na si Intal sa post nito sa Instagram na @JCIntal7 ang alagang tuko na nakapatong sa balikat nito.

Si Intal ay parte ng 16-man Gilas Pilipinas 3.0 pool na naghanda para sa 2015 FIBA Asia Championship.

Nakasama ito sa 2015 Four Nations Cup at 37th William Jones Cup sa Taiwan, bago pormal na napasama sa Final 12 roster ng pambansang kopnan na lumahok sa FIBA Asia tournament. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.