Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak balik-selda uli sa droga

0 264

Balik-kulungan ang isang hinihi­nalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation malapit sa kanyang ti­rahan sa Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Bulacan PIU ang naarestong si Jaymar Manalo, 23, at nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat, alas-11:30 Sabado ng gabi nang magkasa ang Bulacan PIU katuwang ang Marilao police ng buy-bust sa Barangay Lambakin at kanilang target ang suspek na si Manalo na matapos makalaya sa ka­song may kinalaman sa droga ay muli umanong bumalik sa iligal na gawain.

Hindi na nakapalag si Manalo nang makipagtransaksiyon sa pu­lis na poseur buyer at marekober umano mula sa kanya ang 27 pakete ng shabu at buy-bust money. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.