Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak dedbol sa P340K shabu deal

0 269

Matapos makipagtransaksiyon ng tinatayang P340,000 halaga ng shabu, kamatayan ang kinahantungan ng isang hinihinalang tulak nang nakipagpalitan ng putok sa awtoridad sa Bacoor City, Cavite Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Reniel Daguindal alyas ‘Yatpey’, nasa wastong edad at nasa listahan ng Newly Identified High Value Individual ng Brgy. Niog 3, Bacoor City, Sa ulat ni Pat. Marco Cupo ng Bacoor City Police Station, ala-1:30 kahapon ng madaling-araw nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Group (DEG) ng Bacoor CPS sa Brgy. Niog 3 ng naturang Lungsod kung saan target ang suspek.

Unang inalok ng suspek ang tinatayang 5 gramo ng shabu sa poseur buyer bago muling nagpakita ng 50 gramo ng shabu na may street value na P340,000. Pero nahalata ng suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya nagbunot ng kalibre .38 na baril at ipinutok sa awtoridad kaya gumanti ang huli na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.