Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak dedo, SK chairman dakma sa Cotabato

0 95

Patay ang isang high value target habang timbog ang Sangguniang Kabataan chairman sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa North Cotabato.

Kinilala ng PDEA ang napatay na suspek na si Ako Kasim, 25, residente ng Brgy. Masigay sa Datu Piang, Maguindanao. Na-monitor ito sa Cotelco Village sa Kidapawan City kaya agad na na nagsagawa ng buy-bust operation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Police Lt. Col. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City PNP, bumunot umano ng baril si Kasim at saka nagpaputok kaya sila gumanti na dahilan ng pagkamatay nito.

Nakuha mula kay Kasim ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P270,000.

Samantala, sa Magpet naman timbog din sa buy-bust operation ang SK chairman na si Jonie Dale Parcon, 22, Brgy. Kisandal. Nakuhanan ito ng hinihinalanag dalawang sachet ng shabu at marked money. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.