Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak huli sa P340K shabu

0 234

Nalambat ng mga tauhan ng Eastern Police District- Mandaluyong Police ang isang lalaki matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer at makuhanan ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalagang P340,000.00 sa ikinasang buy bust operation kamakalawa sa Barangay Pag-asa, Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Paul Gonzales y Cordero, 34, kabilang sa listahan ng high value individual ng EPD-Mandaluyong Police.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang suspek alas-5:00 Biyernes ng hapon sa Aglipay St., Barangay Pag-asa, nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) matapos makatanggap ng tip sa pagtutulak ng suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.