Abante Tonite Interactive

Tulak iniwanan ng kasama, napatay sa engkuwentro

By
240

Nasawi ang isang tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa aarestong awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ikinasa ng Bulacan police ang operasyon laban sa suspek na si alyas Ronnie, alas-dos nang madaling-araw kahapon.

Nang magkapalitan na ng shabu ang nagpanggap na pulis at ang suspek, sumenyas ito sa naghihintay na kasamahan na sakay ng motorsiko.

Nang iwanan na ng rider ang kanyang kasamang tulak ay bumunot ng baril ang huli at nanlaban hanggang sa tuluyan itong mapatay sa engkuwentro.

Nakuha sa namatay na suspek ang isang kalibre .38 revolver, tatlong bala, 13 pakete ng shabu at P500 marked money habang tinutugis na ng pulisya ang nakatakas nitong kasamahan.