Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak, kasabwat timbog sa P1.7M droga

0 59

Nasa P1.7 miyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak sa isinagawang buy-bust sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Bhedz Dalingding, 52, tubong-Sultan Kudarat. Inaresto din ang kasabwat nito na si Teresita Honorica, 39.

Umiskor umano ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer sa suspek kaya nalambat ito ng mga operatiba. Nang salakayin ang bahay nito, dito pa narekober ang 252 gramo ng shabu.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.