Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak kinalawit sa P3M shabu

0 63

Patay ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos na manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust kamakalawa ng hapon sa Midsayap, Cotabato.

Kinilala ni PDEA Region 12 Director Naravy Duquiatan, ang napatay na suspek na si Jacky Guim­ba, 55-anyos, umano’y tulak ng shabu na nag-o-operate sa Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Salunayan ng nasabing bayan nang ikasa ang buy-bust operation ng PDEA laban sa suspek.

Isang poseur buyer ang bumili ng shabu sa suspek at ng magkapalitan ng pera at iligal na droga ay saka inihudyat ang pagdakip dito, subalit imbes na sumuko ay nakipagpalitan umano ng putok sa mga operatiba na nagresulta ng agarang kamatayan.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu naaabot sa kalahating kilo at nagkakahalaga ng P3.4 milyon, gayundin ang isang kalibre .45 baril na ginamit nito sa panlalaban. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.