Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak mas trip mabaril kesa himas-rehas

0 286

Mas piniling mamatay kesa makulong ng isang pinaghihinalaang tulak ng droga nang manlaban sa buy-bust operation ng Manila Police District kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang suspek na si Ernesto Lledo, 40, alyas ‘Momok,’ taga-Almeda Street, Tondo dahil sa tinamong mga bala sa katawan.

Sa report ng Manila Police District-homicide section, alas-2:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa Yuseco Street, Tondo.

Nalaman na ang suspek ay kabilang umano sa drug watchlist ng kanilang barangay dahilan para ikasa ang buy bust.

Nagtangka umanong tumakas ang suspek habang inaaresto at nanlaban pa sa mga awtoridad kaya ito binaril.

Nakuha sa suspek ang isang Smith and Wesson revolver na walang serial number at may 3 bala, limang sachet ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.