Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak nanlaban todas sa Bulacan buy bust, 2 pa timbog

0 237

Isang armadong drug dealer ang napatay nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Marilao,Bulacan habang dalawa pa ang nadakip sa anti-illegal drug operation sa San Rafael at Guiginto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrene Cajipe, Bulacan police director, ang napatay na drug suspect na si Marcelino Baluyot y Mercado ng Barangay Prenza 1 ng nasabing bayan na nasawi dahil sa tama ng bala sa katawan nang manlaban sa mga awtoridad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, nadakip din ng SDEU operatives ang suspek na si Ronald Cardenas alias Botyok ng Fajardo st.,Barangay Corazon, Calumpit nang kumagat sa buy-bust operation sa Barangay Capihan,San Rafael at nahulihan ng tatlong pakete ng shabu at buy-bust money.

Natimbog din ng Guiginto police ang isa sa most wanted person sa nasabing bayan na si Mar Louie Lumba ng Barangay Tiaong, Guiginto dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 at hindi na ito nakapalag ng silbihan ng warrant of arrest ng awtoridad dahil sa kasong may kinalaman sa droga.(Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.