Abante Tonite Interactive

Tulak niratrat, binitay sa Tulak niratrat, binitay

211

Ibinitin sa tulay bago pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang notoryus na magnanakaw at tulak ng iligal na droga kahapon nang madaling-araw sa Talisay City, Cebu.

Tadtad ng bala ang katawan, nakatakip ng tela ang mukha at nakabigti sa Mananga Bridge nang matagpuan si Reynante Tangente Otero, 44, sa SRP Road, Isla Verde, Brgy. San isidro ng nabatid na lungsod.

May nakadikit ding cardboard sa katawan nito na may nakasulat sa Cebuano word na “Huwag akong tularan, magnanakaw ako”.

Abante Hiring – IT dep

Sa ulat ng Talisay City PNP, alas-6:15 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa natagpuang bangkay na nakabigti sa Mananga Bridge at tadtad ng tama ng baril.

Mabilis namang rumesponde ang pulisya sa pangunguna ni P/Maj. Orlando Carag, ng Talisay City PNP.

Sa salaysay ng mga residente malapit sa lugar, pasado alas-3:00 ng madaling-araw nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at ilang sandali pa ay ang tunog ng isang sasakyan na palayo sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, si Otero ay kilalang drug pusher sa lungsod at nasa drug watchlist ng pulisya. Notoryus din umano itong holdaper at labas pasok na ito sa kulungan.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing pamamaslang. (Edwin Balasa)